Monday, June 15, 2015

Wwoofers Philippines :organic farming Philippines

Experience in Organic Farming : thru WWOOF Philippines.


Taong Dalawang Libo at Labing Lima ng ako ay sumali o nagpa miyembro sa WWOOF PHILIPPINES, nalaman ko ang organisasyon na ito dahil sa kuryusidad sa organikong pamamaraan ng pagsasaka sa buong mundo, kakatingin sa ibat ibang website nakita ko ang WWOOF Philippines, at dahil sa magandang pilosopiya nito at adhikain ng organisasyon napasali ako.

Una kong karanasan bilang Wwoofers ay sa malayong lugar ng Barangay Bautista sa Bayan ng San Pablo Laguna, bagaman at ako nangungupahan sa isang apartment sa Los Baños Laguna sa akin ay malayo pa din ito, siguro dahil sa unang beses ko pa lang nararating ang lugar.

Gumising ako ng ika apat ng madaling araw sa aking apartment dahil sa palagay ko ako ay makakarating ako sa Barangay Bautista, San Pablo ng ala sais ng umaga, dahil hindi ko kabisado ang lugar at kung saan ang mga posibleng sakayan papunta sa Barangay Bautista mag aalas nuwebe na ako nakarating sa Mountain View Ecofarm, dahil na din sa kakatanong kung saan yung Farm, dahil hindi din alam ng mga taga doon ang alam lang nila ay Farm na pag-aari ng Amerikano (Australyano talaga ang may-ari). at itinuro pa ako kung saan saan.

Mountain View Ecofarm ang host ko sa Barangay Bautista, ito ay pag-aari ng mag-asawang Australyano (Sir Sam) at Filipina (nalimutan ko pangalan ni maam) nasa pagitan ng 27 - 30 taong gulang sila, napaka accomodated ng dalawa, dahil siguro sanay na sila sa mga Wwoofers na nagboboluntaryo sa kanila na galing pa sa ibat-ibang bansa.

Naabutan ko na nagtatanim si sir Sam at isang trabahadora Tess ata ang pangalan, at dalawang lalaki na naghuhugas ng inaning Lettuce.

Matapos magpakilala, pumasok kami ng bahay nila at nagbigay ng kaunting panimula tungkol sa organic farming, dahil sabi ko ay wala pa akong karanasan sa organikong pamamaraan ng pagtatanim.

Lumabas kami ng bahay pagkatapos ng ilang minuto upang simulan ang pag-ikot sa Farm at ano ano ang mga plano na gagawin, umabot ng isang oras ang pag-iikot namin sa Farm at pagkatapos tumikim ng Sariwang Okra (ladies fingers).

Napakahirap unawain kung paano magbulok ng dayami o sariwang damo para sa organikong pataba, pero nang ako ay aktuwal na tumulong madali lang pala itong gawin. Mahirap lang intindihin kapag ipinapaliwanag sa mga seminar at libro. Idagdag pa ang paliwanag ni sir Sam upang mapadali ang pag-unawa sa kailangang kombinasyon ng pagbubulok ng dayami, sariwang dahon at Dumi ng Baka at Kalabaw.



Paraan upang makarating sa Mountain View Farm.

From Buendia:
Take a bus going to Sta. Cruz or College Laguna.
Take a Jeep from Los Baños College Laguna via San Pablo
Take a Tricycle (Found in Lianas Supermarket San Pablo) via Barangay Hall in Barangay Bautista.
Asked  a locals where is the farm of a Foreigner with Filipina wife.

From Cubao:
Take a bus going to Sta. Cruz or College Laguna, located at the Back of  Mang Inasal near Raymond Bus at Solid North Bus Terminal.
Take a Jeep from Los Baños College Laguna via San Pablo
Take a Tricycle (Found in Lianas Supermarket San Pablo) via Barangay Hall in Barangay Bautista.
Asked  a locals where is the farm of a Foreigner with Filipina wife.






No comments:

Post a Comment